Joey De Leon published an article in PhilippineStar Newspaper on July 5 2009 stating that Charice Pempengco is a USER, STUPID, and HYPOCRITE. Di namin akalain na ma-published nga ito sa isang credible na newspaper, which is PhilStar. After the article was posted in the website, few comments are pouring in and stating that they don't like what Mr. Joey De Leon wrote on his article. Pinakita lang ni Joey kung gaano sya ka inggit sa success ni Charice, kasi yung tagumpay ni Joey ay di man lang umabot sa Amerika, compara mo kay Charice, hindi lang sa Amerika o Pilipinas, kung di sa boung mundo pa, asa ka pa Joey, hanggang studio ka nalang.
Here is the full article written by Mr. Joey De Leon on PhilStar.
'Michael-Likot At In-Jackson'
ME, STARZAN By Joey de Leon Updated July 05, 2009 12:00 AM
Kasasabi ko pa lang noong isang linggo —
Kung “buhay” sa kabilang buhay ay totoo,
‘Di makikita mo mga sikat na tao
Na nauna nang mamaalam at yumao.
Nang biglang isang very important na person
Ang humabol dito sa DEADline registration,
Awww! Naku po, wala na, the “thriller” is gone,
Nagpa-final retoke na si Michael Jackson.
At marami na naman ang gustong pumapel,
Kesyo close daw sila sa nasirang si Michael,
Kahit ano nga ngayon pwede nating i-tell,
Favorite nga ni Jacko noon ay Dyesebel!
Meron pa daw biglang naging idol s’ya,
Mabubuking mo dahil iba mga kanta,
Laging birit Beyoncé, Celine at Mariah,
Nang bumigay si MJ, umiba ang gaga.
Tigilan na nuno ng kasinungalingan,
Kesyo kinukuha raw para sa one-on-one
Nila ni Michael Jackson gagawin sa London,
Beat it! That is Bad, puro kayo ka-cheap-an.
Hoy, ano ba naman, eh humigit kumulang
Ang mga presyo ng tickets ay fifty thousand,
Makita lang si Michael ‘yan ang babayaran
At hindi bisitang galing kung saan-saan.
Ngak, ngek, ngik, ngok, nguk! Iba rin kayo talaga,
Kung saan may sikat; patay o buhay, dun s’ya,
Okay lang ‘yun pero ‘wag namang ipokrita
Pagkat nung buhay ‘yun malamang minumura.
Maybe nung may kaso si Michael kayo’y isa
Sa mga nandidiri’t umaalipusta
Bakit ba ang sakit n’yo pag may namatay na,
Mga sinasabi n’yo biglang gumaganda.
Sakay, kete, sakay, puro na lang pantasya,
Patay na nga ‘yung tao ginagamit n’yo pa,
Ituloy n’yo na lang ang inyong panggagaya,
Mga katulad n’yo sa ati’y sampu sampera.
Kaya lubayan n’yo na o you just go to hell,
Basta dalawang sabay namatay ay anghel—
Ang King of Pop ay kapangalan ng Arch Angel
At si Farrah Fawcett naman ay Charlie’s Angel.
Hindi ako nagpapatawa mga hunghang,
Kung tutuusin ‘di nga n’yo maiisip ‘yan,
Pangyayaring ito ay isang punto lamang,
Sinapit ni Michael Jackson ay pag-isipan.
Kaya kayong mga sikat at mayaman daw,
Lalo’t mga kumakanta’t nambubulahaw,
Matutong mag-relax; ‘wag masyadong buwakaw;
‘Wag pare-pareho kanta sa araw-araw.
At ‘yung mga trip mag-number one ang plaka n’yo,
‘Wag naman sana bumibili lang ay kayo,
‘Pag inabot n’yo si Michael ay bilib ako,
Cute n’yan sundan n’yo na si Jacko ngayon mismo!
At dun sa one hundred most beautiful na person
Na gimik na naman ng isang publication,
Are you sure na wala d’yang mga Michael Jackson?
“Michael-likot”, puro retoks at “in-jackson.”
At meron pang isang sa aki’y gumugulo—
Sa t’wing may “I am proud to be a Filipino!”
Na maririnig bigla sa ilan d’yang tao
Sa tuwing may sisikat na Fil-Am sa mundo.
Bakit may panahon lang ang pagyayabang n’yo?
Kapag may lilitaw lang na taong pamoso
Na may dugong Pinoy “nakiki” agad kayo
O sa tuwing may mananalong boksingero.
Dapat ‘yang “I am proud” palagi sa puso n’yo,
‘Di lang pag may okasyon nakiki-ride kayo,
kahit ano’ng mangyari ‘di na magbabago,
Ang dapat: “I am trapped to be a Filipino!”
Siguro ay nagugulumihanan kayo
Sa huling tatlong saknong na binitawan ko,
Ano ang konek nito sa issue ni Jacko,
Pabayaan n’yo na lang ipaliwanag ko.
Ang balat, nang isilang s’ya sa mundong ito,
Nitong inyong idolo kulay Aprikano,
Pero mukhang ‘di s’ya proud kaya pinabago,
Pagtagal nga, puti na pati singit nito!
Kaya nga ba ‘yan ang pinagpipilitan ko —
Ang puti ay puti, ang negro ay negro,
Kung Pinoy ka umuha at dumating dito,
Dapat ganon ka rin pagbula ng bibig mo.
Batu-bato sa langit, tamaan sana kayo!